^

PSN Showbiz

Angelica umamin, umaarte lang sa mga hugot kay John Lloyd

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Angelica umamin, umaarte lang sa mga hugot kay John Lloyd

Piolo

Piolo at Derek nadudungisan ang pangalan sa ineendorsong kumpanya

PIK: Na-excite si Yasmien Kurdi sa ideya ni direk Gina Alajar na gusto raw niyang idirek ng isang reunion project ang mga gra­duate ng StarStruck. Halos lahat yata ng graduate ng StarStruck ay naidirek na niya, kaya magandang ideya raw na makagawa ng project na magkakasama sila.

Natutuwa nga si Yasmien na magkakasama sila ngayon ng actress/director, sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. “Dati direktor ko pa siya sa Yagit, ngayon inaapi-api na niya ako rito,” napapangiting pahayag ni Yasmien.

Kumportable raw siya kapag si Gina ang nakakatrabaho dahil may natutunan pa siya.

Ngayong araw na magsisimula sa afternoon slot ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan makakasama rin niya sina Mike Tan at Martin del Rosario.

PAK: Napa-oo si Angelica Panga­niban nang tanungin kung ready na ba siyang ma-in love uli. Pagkatapos ng mga isyung moving on nila noon ni John Lloyd Cruz at sa rami niyang hugot lines na kinagat ng tao, ay handa na raw siya. “Umaarte lang ako. Masarap din kasi umarte minsan, nakaka-girl,” pabiro niyang pahayag.

Ang kasunod ngang tanong ay posible kaya ang pagbabalikan nila ni Carlo Aquino dahil madalas naman silang natutukso nga­yon. Natawa na lang si Angelica at sinagot niya nang patanong kung paano raw ba ito.

Sabi lang ng Kapamilya actress, “Siguro mas nagiging visible lang kami sa mga tao dahil parehas kaming single. So, nagkakaroon ng meaning, kasi dati hindi nagkakaroon ng meaning dahil in a relationship kami. Ngayon, may tuksuhang nangyayari kasi single, tapos may past kami.”

BOOM:  Naging paksa ng usap-usapan ang isyung kinasangkutan ng isang malaking kumpanyang iniendorso nina Piolo Pascual at Derek Ramsay.

Ang sabi, umabot sa 1 bilyon ang lawsuit na kinasangkutan ng kumpanyang ito dahil sa taxes.

Ang tanong ng karamihan, kapag ganyang ang kumpanya na mismo ang nasasangkot sa kontro­bersya, puwede raw bang kumawala ang endorser para hindi sila masangkot sa ganung isyu?

Kasi, kapag ang endorser ang involved sa isang kontrobersya o iskandalo, puwede siyang tanggalin ng kumpanya at minsan ipinapabalik pa ang bayad.

Maganda ang image nina Piolo at Derek lalo na’t wala silang isyu sa BIR. Hindi kaya makakaapekto sa kanilang image ang isyu sa taxes ng kumpanyang iniendorso nila. Ano ang puwede nilang gawin dito para hindi naman sila madamay sa imahe nga­yon ng kumpanyang iniendorso nila?

Wala pa namang imik ang dalawang aktor kaugnay sa isyung ito, pero ito na raw ang pinag-uusapan ngayon ng ilang talent managers kung ano ang mabuti nilang gawin.

Ito na ba ang isa sa iku-consider nila kapag pu­mipirma ng kontrata sa mga endorsement ang ta­lents nila?

Tila one-sided daw kasi ang madalas na napagkakasunduan na ang ending ay artista ang madalas na natatalo.

Abangan na lang natin kung magpapatuloy pa rin ba sina Piolo at Derek sa pag-endorse ng produktong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with