^

PSN Palaro

Acaylar susi sa tagumpay ng Altas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Acaylar susi sa tagumpay ng Altas

    Ang koponan ng Perpetual Help Altas ang hinirang na kampeon sa NCAA Season 93 men’s volleyball.

MANILA, Philippines —  Napasakamay ng University of Perpetual Help System Dalta ang kam­peonato sa NCAA Season 93 men’s volleyball tournament.

Pinataob ng Perpetual Help ang Arellano University sa bendisyon ng 2-1 panalo sa best-of-three championship showdown.

Namayani ang Chiefs sa Game 1 (12-25, 25-21, 19-25, 25-24, 15-9) bago naitabla  ng Altas ang serye sa bisa ng 26-24, 25-20, 23-25, 25-16  panalo sa Game 2.

Ngunit higit na nag-init ang Perpetual Help sa rubber match nang kubrahin nito ang 23-25, 27-25, 25-19, 25-23 desisyon para makopo ang ika-11 korona sa liga.

Maliban sa mahuhusay na manlalaro, may malaking alas ang Altas sa ngalan ni head coach Sammy Acaylar na tunay na lumabas ang pagi­ging beteranong mentor sa buong serye.

Ilan sa mga naging taktika ni Acaylar ang pagtalaga kay opposite spiker Rey Taneo bilang setter matapos ma-sprain ang kanang paa ni starting setter Warren Catipay sa first set ng Game 3.

Hindi naman binigo ni Taneo ang Altas dahil nakapagbigay ito ng 22 excellent sets kasama pa ang 11 puntos dahilan upang tanghalin itong Finals MVP.

“It’s simple, you have to trust everybody. I trust all of my players, each one of them. I know all the pla­yers I put inside the game will score or contribute. All of them are my lucky charm,” wika ni Acaylar na siya ring humahawak sa athletic program ng buong Perpetual Help.

Nagpasalamat si Acaylar sa lahat ng sumuporta sa kanilang kampanya partikular na kay Perpe­tual Help owner Antonio Tamayo.

Pagtutuunan naman ng pansin ni Acaylar ang paghahanap sa mga ba­gong manlalaro dahil tat­long beteranong manlalaro ang mawawala na sa lineup.

Ito ay sina Taneo, Ca­tipay at Jack Kalingking.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with