^

PSN Palaro

‘Twin Kill’ sa Perpetual Help

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
�Twin Kill� sa Perpetual Help

Nag-pose ang Perpetual Help Junior Altas spikers makaraang ma-sweep ang  kanilang best-of-three titular showdown ng Letran Squires para masikwat ang 4-peat sa NCAA Season 93 junior’s division  volleyball tournament.

MANILA, Philippines — Matikas na pinagbagsak ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang karibal upang maning­ning na angkinin ang kampeonato sa men’s at juniors division ng NCAA volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Niatakas ng Perpetual Help ang pahirapang 23-25, 27-25, 25-19, 25-23 panalo laban sa Arellano University para maibalik sa kanilang teritoryo ang korona sa men’s division.

Inilabas ni Rookie of the Year/Most Valuable Player awardee Joebert Almodiel ang lahat ng puwersa nito upang pamunuan ang atake ng Altas tangan ang 19 puntos habang nakatuwang sina Ronniel Rosales na may 10 puntos at graduating playmaker Rey Taneo na may 22 excellent sets kasama ang 11 puntos.

Iginawad kay Taneo ang Finals MVP award upang maningning na tapusin ang kanyang collegiate career.

Tinapos ng Altas ang finals series tangan ang 2-1 rekord.

Nanaig ang Arellano sa Game 1 sa iskor na 12-25, 25-21, 19-25, 25-24, 15-9  bago naipuwersa ng Perpetual Help ang rubber match bunsod ng 26-24, 25-20, 23-25, 25-16 panalo sa Game 2.

Sa juniors, doble ang selebrasyon ng Perpetual Help nang muli nitong pataubin ang Colegio de San Juan de Letran, 25-17, 25-17, 25-17 upang makumpleto ang inaasam na four-peat.

Nanguna sa atake ng Junior Altas si Ivan Encila nang kumana ito ng 16 puntos habang nagdagdag si Noel Michael Kampton ng 15 markers para hatakin ang kanilang tropa sa 2-0 panalo sa best-of-three championship series.

Nauna nang naitala ng Junior  Altas  ang 25-16, 25-15, 20-25, 25-20  panalo sa Game 1 noong Lunes.

“We’re so happy that all the hard work, sacrifices we’ve done have finally bore fruit,”  ani Perpetual Help coach Sandy Rieta.

Ito ang ika-11 kabuuang titulo ng Junior Altas sa liga upang bahagyang makadikit sa Letran na may 14 korona.

May 11 titulo na rin ang men’s team ng Perpetual Help.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with