^

PSN Palaro

Eze gumana sa Altas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes (JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)

 2 p.m.  Gamboa Coffee    vs Perpetual Help Altas

4 p.m.  JRU  vs   Wang’s-Letran

MANILA, Philippines — Matapos matalo sa  huling laro, bumawi agad ang University of Perpetual Help Altas sa pamamagitan ng 82-75 panalo laban sa Batangas-EAC kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kahit ang Nigerian na si Prince Eze ay bumawi rin sa kanilang 69-81 pagkatalo sa Go For Gold noong Pebrero 13, bumida ito ng 24 puntos na may kasamang 15 rebounds at walong blocks shot upang ihatid ang pa­ngalawang panalo ng tropa ni coach Frankie Lim sa apat na laro.

Bunga ng  panalo, uma­ngat ang Altas sa pang-walong puwesto habang ang Batangas ay lalong nahulog sa ilalim ng stan­dings sa 1-5 win-loss kartada.

Bukod kay Eze,  humakot din si Kim Aurin ng 22 puntos habang 16 naman mula kay Edgar Charcos na may kasamang pitong rebounds at limang assists para sa Altas.

“Nag-focus kami sa complete denial on defense.  Kailangan walang bola ang kalaban mo at maganda naman ang naging denial sa game,” sabi ni  coach Lim.

Sa pagbandera nina Eze, Aurin at Charcos, u­ma­bot pa sa malaking 16 puntos ang kalamangan ng Perpetual Help sa 70-54 mahigit anim na minuto na lamang ang natitira sa laro at hindi na pinakawalan pa ng Altas ang kanilang bentahe tungo sa panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with