^

PSN Palaro

Beermen kakapit pa sa No. 1 vs Kia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. San Miguel vs Kia

7 p.m. RoS vs Alaska

MANILA, Philippines — Sa kanilang pagpasok sa quarterfinal round ay walang ibang target si head coach Leo Austria ng nagdedepensang San Miguel kundi ang No. 1 seat.

“Mas maganda kung No. 1 ka dahil iba ang confidence boost na maibibigay sa iyo noon, something na magagamit mong pandagdag momentum sa playoffs,” sabi ni Austria.

Lalabanan ng Beermen ang sibak nang Kia Picanto ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng San Miguel ang Kia na wala si four-time PBA MVP June Mar Fajardo, naglalaro para sa Gilas Pilipinas sa se­cond window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nawala sa Beermen ang mga averages na league-best 23.2 points at 13.67 rebounds na inaasahang sasamantalahin ng Picanto.

Matapos wakasan ang 16-game losing slump ay nahulog ang Kia sa limang sunod na kamalasan, ang huli ay sa 91-108 kabiguan sa Globalport Batang Pier noong Miyerkules.

Sakaling talunin ng Beermen ang Picanto ay itataas nila ang 8-2 baraha at kahit matalo sa Elasto Painters sa huling araw ng eliminasyon kung saan posibleng magkaroon ng two or three-way tie sangkot ang Magnolia Hotshots, makukuha pa rin ng tropa ni Austria ang No. 2 spot sa quarterfinals.

Magkakaroon ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals habang maglalaban sa best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with