Mandaluyong City boxers nagparamdam agad
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Biñan City--Nagpasiklab ang Mandaluyong City bo­xing team ng apat na panalo sa pagbubukas ng 2018 Philippine Sports Commission-Manny Pacquiao Amateur Boxing Cup Luzon Quarterfinals sa Jose Rizal Covered Court dito.

Preparadung-prepa­rado ang koponan ni Ma­yor Carmelita “Menchie” Abalos kaya na-sweep ng Mandaluyong ang four-of-four, dalawa rito ay sa pa­mama­gitan ng referee stop contest at tiwala ang buong koponan na madagdagan pa ito ng tatlo sa huling araw ng labanan ngayon.

 Inumpisahan ng  15-anyos na si Ricky Boy Oladive ang mabangis na pagsalakay ng Mandalu­yong sa pamamagitan ng RSC  panalo kontra kay R. G. Erestan ng Sorsogon sa 1:27 ng first round sa kanilang jr. boys lightflyweight category.

Ang panalo ni Ola­dive, ay sinundan  naman ng 15-anyos na si Dave Asi Laurejas ng isa  pang RSC win laban kay Michael Vincent Borja ng La Union sa oras na 1:28 ng second round sa kanilang jr. boys bantamweight category.

 Ang ibang nanalo sa Mandaluyong ay sina Remart Gomez via unanimous decision kay Ronnie Musi ng Olongapo City sa boys jr. light bantamweight class at B-Boy Cenita na nanalo via walkover.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with