Gaspi, Cenita handa na sa giyera
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2018 - 12:00am

Biñan City, Philippines — Inaasa­han ang mainit na laban sa pagbubukas ngayon sa 2018 Philippine Sports Commission-Manny Pacquiao Amateur Boxing Cup Luzon Quarterfinals sa Jose Rizal Covered Court dito.

Lahat ng 36 qualifiers mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ay magtatagisan ng husay para maka-abante sa Luzon semifinals sa Pebrero 24 at 25 sa Lingayen, Pangasinan.

“Handa na ako, pinag­handaan ko talaga ito at malakas na ngayon ang tiwala ko sa sarili. Sana manalo ako,” sabi ng 16-anyos na si Floyd Gaspi ng Bulan, Sorsogon.

Si Gaspi ay isa sa mga nakakuha ng slots sa youth boys flyweight category matapos magwagi sa nakaraang Luzon preliminaries na ginanap sa Sorsogon City, Sorsogon noong Enero 28.

Bukod kay Gaspi, nagpahayag din ng kahandaan sina B-Boy Cenita ng Mandaluyong sa junior boys pinweight category, Collin John Bahusan ng Baguio City sa junior boys pinweight, Carlo Belaro ng Prieto Diaz, Sorsogon sa youth boys flyweight category.

Hangad din ni Jongie Ramos ng Pili, Camarines Sur na umusad sa semifinals sa youth boys flyweight at si Jano Bartolay ng Bulan, Sorsogon sa youth bantamweight at Nicolas Inocencio ng Mandaluyong sa youth Boys bantamweight class.

Kabilang din si bout Rommel Loreca ng Cambulaga, Sorsogon City ang naghahangad na makapasok sa susunod na round sa youth boys bantamweight at gayon din si Francis Ayaay ng Iriga City sa youth boys light flyweight class.

Ang ibang nagpahayag ng malakas na tiwala sa sarilli ay sina Darwin Boyones ng Biñan, Laguna sa lightflyweight bout, Elmer Marbella ng Sorsogon City sa youth boys lightflyweight, Ranger Bautista ng Tuguegarao City, Cagayan sa youth boys lightflyweight at Eddie Mapsusao ng Camarines Sur para sa youth boys lightflyweight.

Ang naturang torneo para sa mga kabataang may edad 15-16-anyos sa boys at girls Junior division at 17-18-anyos para sa boys at girls Youth division ay idinadaos para sa pag-diskubre ng mga bagong talento sa larangan ng bo­xing.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with