Padakdak si Andre Iguodala ng Warriors laban sa Suns sa aksyong ito sa NBA.
Kerr epektibo ang taktika, Warriors wagi sa Suns
(Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

OAKLAND, Calif. -- Gumawa ng kanyang sariling eksena si Golden State Warriors coach Steve Kerr.

Ipinagamit ni Kerr ang halos kabuuan ng kanyang coaching duties sa mga players niya na nagresulta sa 129-83 paggupo ng Warriors laban sa bisitang Phoenix Suns.

“It’s the players’ team,” paliwanag ni Kerr. “It’s their team and they have to take ownership of it. As coaches, our job is to nudge them in the right direction, guide them. We don’t control them. They determine their own fate. I don’t think we’ve focused well the last month. It just seemed like the right thing to do.”

Sinabi ni Kerr na ipinaalam na niya sa kanyang mga players kung ano ang gagawin laban sa Suns.

Si veteran guard Andre Iguodala ang namahala sa morning shootaround habang si JaVale McGee ang gumamit ng computer para sa film session.

Sina Iguodala, Draymond Green at David West ang nagdisensyo ng halos karamihan ng mga plays ng Golden State at nangangasiwa sa huddle tuwing may timeout si Kerr.

Umiskor si Stephen Curry ng 22 points para sa Warriors  habang nagtala si Omri Casspi ng 19 markers bilang kapalit ng may injury na si Green.

Si Kevin Durant ay nagdagdag ng 17 markers para sa ika-12 sunod na panalo ng Golden State laban sa Phoenix.

Sa Salt Lake City, huma­taw si Donovan Mitchell ng 25 points, kasama ang isang go-ahead pull-up jumper sa natitirang 39.2 segundo, para akayin ang Utah Jazz sa 101-99 paglusot laban sa San Antonio.

Pinalawig ng Jazz ang kanilang league-best winning streak sa 10 games.

Nagsalpak si Mitchell ng dalawang go-ahead baskets at isang free throw para ibigay sa Utah ang bentahe sa huling minuto matapos magtala ang San Antonio ng 13-point lead sa fourth quarter.

Nag-ambag si Joe Ingles ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists habang naglista si Derrick Favors ng 19 points at 8 rebounds para sa Jazz.

STEVE KERR
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with