Lady Chiefs, Red Spikers itatakda ang Finals
Laro Ngayon(FilOil Flying V Arena, San Juan City)
9 a.m. - CSB vs CSJL (Jrs)
11 a.m.- SBC vs CSB (M-Stepladder semis)
2 p.m. - SBC vs UPHSD (W-Semis)
4 p.m. - AU vs JRU (W-Semis)
MANILA, Philippines — Magtatagpo ang nagdedepensa at top seed na Arellano Lady Chiefs at No. 4 Jose Rizal Lady Bombers, habang ang No.2 San Beda Red Spikers ay haharap sa No. 3 Perpetual Help Lady Altas sa knockout semifinal duel sa 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Haharapin ng Lady Chiefs ang Lady Bombers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng Red Spikers at Lady Altas sa alas-2.
Sa men’s stepladder semis ay maghaharap ang No. 3 SBC Red Lions at No. 4 St. Benilde Blazers sa alas-11 ng umaga at ang magwawagi ay lalaban sa No. 2 Arellano Chiefs sa Martes para pag-agawan ang huling finals slot.
Nangyari ang stepladder semis format matapos mawalis ng Perpetual Help Altas ang siyam na laro sa elimination round.
Kapwa nakakuha ang Lady Chiefs at Red Spikers ng ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 1 at No. 2, ayon sa pagkakasunod, matapos ang eliminasyon.
Tumapos ang Lady Chiefs at Red Spikers na may parehong 8-1 card, ngunit mataas ang quotient ng Arellano kaya sila ang top seeded team.
Ang mananalo sa dalawang Final Four games ay maghaharap sa best-of-three Finals.
- Latest