Pacquiao at Horn lalaban sa isang boxing card sa Abril 14?
RC (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng lumaban sa iisang petsa at venue sina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Australian world wel­terweight king Jeff Horn.

Ito ay kung tuluyan nang mapaplantsa ni Bob Arum ng Top Rank Promo­tions ang detalye para sa mag­­kahiwalay na laban ni­na Pacquiao at Horn.

Pipilitin itong maitakda ni Arum sa Abril 14 sa pay-per-view card sa Madison Square Garden sa New York City.

“We’re going over contracts with four guys that we handle, and everything’s co­ming along nicely,” wika ni Arum sa panayam ng Los Angeles Times.

Noong Hulyo 2 ay tinalo ni Horn si Pacquiao via una­­nimous decision para aga­win sa Filipino boxing le­gend ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown sa Brisbane, Australia.

At matapos ito ay hindi na muling umakyat ng bo­xing ring ang 39-anyos na Senador.

Gagawin naman ng 29-anyos na si Horn ang kan­yang ikalawang pagde­depensa sa hawak na WBO belt laban kay dating four-belt light welterweight titlist Terence Crawford.

Wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao (59-7-2, 38 knockouts) kung sino ang gusto niyang labanan para sa kanyang comeback fight.

Ang pangalan ni da­ting Mexican world light wel­terweight king Mike Al­varado (38-4-0, 26 KOs) ang lumulutang sa mga na­karaang araw.

Ang 37-anyos na si Al­varado ay nasa four-fight winning streak.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with