IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas.  OSMP/Wendell Rupert Alinea

Arum umaasang masusundan ni Ancajas ang tagumpay ni Pacquiao sa Top Rank
(Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2018 - 2:21pm

MANILA, Philippines – Matapos kuhain si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas, umaasa si Top Rank Inc. chief Bob Arum na maaabot ng boksingero ang rurok ng tagumpay na natamasa ni Manny Pacquiao.

Three-fight-contract ang ibinigay ng Top Rank kay Ancajas na nakatakdang depensahan ang kaniyang titulo laban kay Israel Gonzales ng Mexico.

"Obviously, our whole adventure with Manny was so successful. It took up a good part of my life, certainly the recent part,” wika ni Arum kay Steve Kim ng boxingscene.com.

“So you've got a kid like Jerwin who is very, very talented and is a lovely kid and you hope that it turns out the same way," dagdag niya.

Tangay ng 26-anyos na si Ancajas ang 28-1-1 record na may 19 KOs.

Dahil sa taglay na bilis at lakas ay hindi maiwasang maikumpara siya kay eight-division champion Pacquiao.

Napabilib ni Ancajas si Arum matapos niyang pabagsakin sina Teiru Kinoshita at Jamie Conlan sa kaniyang huling dalawang laban nitong nakaraang taon.

Ito ang unang pagkakataong lalaban si Ancajas sa Amerika.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with