Ayo buo na ang coaching staff
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakilala ni Aldin Ayo ang kanyang coaching staff na tutulong sa University of Santo Tomas sa pre-season at sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Sa inilabas ng The Varsitarian na siyang official publication ng unibersidad, kasama ni Ayo sina assistant coaches McJour Luib at Kristoffer Co na dinala nito mula sa kanyang c­oaching staff sa De La Salle University.

Pasok din sina Rene Baena at Bonnie Garcia na pareho ring mga beterano na sa coaching.

Si Baena ay dating assistant coach ng Adamson University Baby Falcons habang dating mentor ng Lyceum of the Philippine Pirates si Garcia.

Naging bahagi naman si Luib ng Colegio de San Juan de Letran na hi­nawakan ni Ayo at nag­kampeon noong 2015 sa NCAA men’s basketball tournament samantalang naging coach si Co ng Sta. Lucia sa Philippine Commercial Basketball League.

Nauna nang naiulat ng The Varsitarian na hahawakan ni Ayo ang Growling Tigers sa loob ng anim na taon.

May mga ilang mentors pa ang inaasahang papa­ngalanan ni Ayo sa oras na maging bakante na ang mga ito sa kani-kanilang mga koponang hinahawakan.

Pinalitan ni Ayo si Boy Sablan na siyang nagbigay sa Growling Tigers ng 1-13 rekord sa UAAP Season 80.

Umaasa ang pamunuan ng unibersidad na malaki ang maibabahagi ni Ayo sa mga manlalaro ng UST hindi lamang sa pisikal na aspeto maging sa emosyonal at ispiritiwal na bahagi.

Kilala si Ayo sa pagbibigay ng importansiya sa edukasyon maliban sa pagiging competitive sa loob ng court.

Natulungan nito ang Letran na makopo ang korona sa NCAA habang dinala rin niya sa kampeonato ang La Salle noong 2016 kasunod ang runner-up finish noong nakaraang taon.

Huling nagkampeon ang Growling Tigers noong 2006 sa pangangalaga ni Pido Jarencio.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with