^
Hotshots ginulpi ang Picanto
Pinagtulungang supalpalin nina JayR Reyes at Rashawn McCarthy ng Kia si Ian Sangalang ng Magnolia.
Jun Mendoza

Hotshots ginulpi ang Picanto

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2018 - 12:05am

MANILA, Philippines — Kahit na may bagong head coach ang Kia ay hindi ito sapat para matapos ang kanilang kalbaryo.

Mula sa two-point deficit sa halftime ay umariba ang Magnolia Hotshots sa third period para patumbahin ang Picanto, 124-77 sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si point guard Justine Melton ng 23 points, habang nagdagdag sina Ian Sangalang, rookie Robbie Herndon at Paul Lee ng 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod para banderahan ang tropa ni head coach Chito Victolero.

Bumangon ang Magnolia mula sa 78-89 kabiguan sa Barangay Ginebra sa kanilang ‘Manila Clasico’ noong Araw ng Pasko para ilista ang kanilang ikalawang panalo.

Isinara ng Picanto ang first half sa 49-47, ngunit kumaripas ang Hotshots sa third quarter matapos maglaglag ng 15-2 bomba para itayo ang 62-51 kalamangan sa 4:47 minuto nito.

Pinalobo pa ito ng Magnolia sa 81-58 sa huling 16.2 segundo ng nasabing yugto mula sa dala­wang free throws ni Justine Melton na hindi na kina­yang putulin ng Kia.

Nalasap ng Picanto, ipinarada ang bagong mentor na si Ricky Dandan bilang kapalit ni Chris Gavina  ang kanilang pang-15 sunod na kamalasan simula noong huling laro sa 2017 PBA Commissioner’s Cup at nabigong makapagtala ng panalo noong 2017 PBA Governor’s Cup.

Ang reverse layup ni Justine Melton ang nagbigay sa Hotshots ng 34-point lead, 103-69 sa 6:39 minuto ng final canto para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo.

Pinamunuan ni Jay-R Reyes ang Kia mula sa kanyang 12 points kasunod ang tig-11 markers nina Rashwan McCarthy, Ro­nald Tubid at Reden Celda.

Magnolia 124 - Melton 23, Sangalang 21, Herndon 14, Lee 13, Simon 11, Jalalon 11, Ramos 7, Gamalinda 6, Pingris 6, Barroca 4, Pascual 4, Dela Rosa 2, Brondial 2.

Kia 77 - Reyes 12, McCarthy 11, Celda 11, Tubid 11, Corpuz 9, Yee 6, Khobuntin 5, Paniamogan 5, Jamon 3, Caperal 2, Sara 2, Camson 0, Ababou 0, Galanza 0.

Quarterscores: 22-22; 49-47; 81-60; 124-77.

KIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with