PLDT balik-PVL
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit dalawang taong pahinga babalik na ang PLDT volleyball club sa 2018 Premier Volleyball League sa pagbubukas sa Rein­forced Conference sa  Abril 1.

Muling kinuha ng PLDT ang multi-titled na si Roger Gorayeb bilang head coach ng koponan na huling nakita sa aktibong kumpetisyon noong 2014 sa pangunguna ni Pau Soriano.

Ayon kay Gorayeb, sinabi na niya kay Bali Pure team manager Paulo Turno ang  tungkol sa kanyang plano na bumalik sa da­ting koponan kung saan tumapos sila sa third place sa 2014 PSL All-Filipino Conference.

“I’ve just talked to him (Turno) and I explained that I have no choice but to leave since PLDT is my mother team,” ani Gorayeb.

Inaasahang ma­ngu­nguna ang kanyang da­ting mga manlalaro sa BaliPure sina dating MVP G­rethcel Soltones, Lizlee Ann Pantone at Alyssa Eroa at mga standouts ng dating koponan San Sebastian College na sina Joyce Sta. Rita at Katherine Villegas.

Matatandaang umani ang PLDT volleyball club ng dalawang championship crown sa Shakey’s V-League, ang forerunner ng PVL.  Ang unang titulo na inangkin ng PLDT ay ang Open Conference at ang ikalawa ay ang Reinforced Conference mahigit dalawang taon na ang nakaraan.

Bukod sa PLDT, ang isa pang bagong koponan na nagpahayag ng interes na sasabak sa PVL Reinforced Conference ay ang Total-Flying V Oil na pa­ngungunahan naman ni head coach Jerry Yee.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with