‘Di kinaya ni Melindo
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Madugo ang naging pagsalubong ni Milan Melindo sa 2018.

Olats si Melindo sa Japan.

 Napasabak sa madugong labanan at natalo siya kay Ryoichi Taguchi, ang Japanese champion sa WBA light-flyweight division.

Umabot ng 12 rounds at natalo si Melindo ng unanimous decision. Nakuha ng Hapon sa kanya ang IBF title.

 Putuk-putok ang mukha ni Melindo at karamihan dito ay dulot ng headbutt.

 Putok sa kaliwa at kanang mata ang bata natin. Hindi mo masisisi si Milan. Mahirap lumaban kung naputukan ka.

 Dadaloy ang dugo sa mga mata mo. At habang tumatagal ay namumuo ito sa mga sulok ng mata mo.

Isipin mo ganun kahirap yun.

 Naputukan din ang Hapon pero sa late rounds na.

Talagang madugo ang laban.

 Hindi ko alam kung may usapan ng rematch. Kung meron na, tiyak na madugo na naman ito.

 Dahil sa talo, hindi nagtagal bilang world champion si Melindo.

 Sayang dahil mataas pa naman ang ambisyon niya. Gusto sana niyang ipunin ang lahat ng titulo sa 108 pounds.

 Pero marunong tumanggap ng pagkatalo si Melindo.

 “No excuses,” sabi niya.

 Happy New Year pa rin sa’yo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with