PWA magpapadala ng batang lifters sa China
Olmin Leyba (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para palakasin ang tsansang makapaglahok ng mga atleta sa 2018 Asian Games at sa 2020 Olympic Games, magpapadala ang Philippine Weightlifting Association ng mga batang lifters sa world-class training.

Anim na batang babae at limang batang lalaki ang pagsasanayin ng PWA ni president Monico Puentevella ng tatlong buwan sa China.

Sa nasabi ring bansa nagsanay si Hidilyn Diaz na nagresulta sa pagbuhat niya ng ikalawang silver medal ng bansa sa Olympics noong 2016 sa Rio de Janiero, Brazil.

Matapos ito ay kumuha si Diaz ng isang silver at isang bronze medal noong 2017 World Championships sa Los Angeles, California at nag-uwi ng pilak na medalya sa Asian Indoor and Martial Arts Games.

Bukod kay Diaz, pinuri rin ni Puentevella ang pag-angkin ni Kristel Macrohon sa bron zemedal sa AIMAG at sina Elien Rose Perez (3 golds), Elreen Ann Ando (1 silver, 2 bronzes) at Dessa delos Santos (3 bronzes) sa Asian Senior Cup.

Samantala, ikinatuwa ng PWA ang pagkakasama ng weightlifting event sa se­condary division ng Palarong Pambansa.

Umaasa din si Puentevella na mapapasama ang sport sa elementary category ng Palarong Pambansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with