Justine Brownlee at Renaldo Blakman

Brownlee, Balkman bibinyagan ng Dragons
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Makaraan ang maha­bang pahinga, inaasahang pangungunahan ng mga dating PBA imports na sina Justin Brownlee at Renaldo Balkman ang kam­panya ng Tanduay-Alab Pilipinas laban sa Ma­­laysia Westports Dra­gons ngayon sa pagbabalik aksyon ng 2017-2018 ASEAN Basket­ball League sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bunga ng ‘di magandang performance, nagpasya si Alab Pilipinas team manager Charly Dy na palitan ang import na si Reggie Okosa ni Ginebra resident import Brownlee.

Isinama na rin bilang ba­gong import ng tropa ni Jimmy Alapag si Balkman, pinatawan ng PBA ng lifetime banned bilang mga bagong reinforcement ng koponan dahil hindi pa makakalaro ng mahigit isang buwan si Ivan Johnson bunga ng natamong injury.

Inaasahang magpapakitang gilas  ngayon  sina Brownlee at Balkman sa home-game ng Tanduay-Alab Pilipinas laban sa bisitang Westports Dragons ng Malaysia sa alas-8 ng gabi.

Malaki ang tiwala ni Alapag na aangat na ang kanyang koponan mula sa pang-pitong puwesto sa 1-3 win-loss kartada sa paghugot kay Brownlee, na­katulong sa pagsikwat ng back-to-back cham­pionship crown ng Baran­gay Ginebra sa PBA Go­vernor’s Conference noong nakaraang taon.

Matatandaan na ang 6’8 na si Balkman ay binigyan ng life-time banned ng PBA na ibinababa sa limang taon na lang ka­ma­kailan dahil sa choking incident sa kanyang teammate na si Arwind Santos ng Petron Blaze (San Miguel Beermen ngayon) noong 2013 PBA Commissioner’s Cup.

“I’m very thankful for this opportunity to play for Alab Pilipinas. I have regretted what happened then and I learned a valuable lessons from it. I will always remember to keep my composure and be a role model,” sabi ng 33-anyos na Puerto Rican na naglaro sa Puerto Rico national team sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ayon naman kay Alapag, wala siyang pagdududa sa kalibre ng kanyang mga bagong imports.

“Both of them are winners and world-class imports. I don’t have hesitations,” ayon kay Alapag.

“When we found out that Ivan (Johnson) would be out, immediately we have to look for possible options and Balkman fits to what we are looking for. He is a versatile, defensive guy, capable of scoring,” aniya.

Ang tanging panalo pa lamang ng Nationals ay sa Formosa Dreamers, 78-61 noong Disyembre 16.

Matapos harapin ng Nationals ang Westports Dragons ngayon, makakasagupa naman ng Tanduay-Alab Pilipinas ang Singapore Slingers sa Linggo (Enero 7) sa OCBC Arena sa Singapore.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with