Tinangkang supalpalin ni John Henson ng Bucks ang patirang si DeMar DeRozan ng Raptors.

Nag-Init si Derozan
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Raptors inilusot sa OT vs Bucks

TORONTO — Idinaan ni DeMar DeRozan ang kanyang pagdiriwang ng Bagong Taon sa pamamagitan ng panonood ng basketball history.

Gumawa din ng kasaysayan si DeRozan.

Nagpasabog si DeRozan ng franchise-record 52 points para banderahan ang Raptors sa 131-127 overtime win laban sa Milwaukee Bucks at duplikahan ang kanilang team record na ika-12 sunod na home victory.

Pinanood ni DeRozan ang huling mga minuto ng Game 6 ng 1998 NBA Finals kung saan tinalo ni Hall of Famer Michael Jordan ang Utah Jazz mula sa isang jump shot para ibigay sa Chicago Bulls ang ikaanim na NBA title sa huling walong seasons.

“I remember being a kid and wishing to be in moments like that,” ani DeRozan. “When you come out here and you’re in those moments, you’ve got to make the best out of them.”

Si DeRozan ang na­ging ikatlong player sa Raptors history na umiskor ng 50 o higit pa sa single game.

Ang dalawa pa ay sina Vince Carter at Terrence Ross, kapwa nagtala ng tig-51 points.

Ibinigay ni Fred Van­Vleet sa Toronto ang kalamangan matapos isalpak ang kanyang 3-pointer sa huling 3:51 minuto ng overtime, kasunod ang jump shot ni DeRozan para iwanan ang Milwaukee sa 121-117.

Naglista si DeRozan, nagsalpak ng limang three-point shots, ng 17-of-29 fieldgoal shooting at nagposte ng 13-for-13 sa free throw line.

Tumipa si Kyle Lowry ng 26 points kasunod ang 11 markers ni Serge Ibaka para sa Raptors, dumiretso sa kanilang pang-12 sunod na panalo sa Air Canada Centre.

Pinamunuan naman ni Eric Bledsoe may 29 points, kasama ang 11 markers sa overtime, samantalang nagtala si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points para sa Bucks, napigilan ang two-game winning run.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 18 points sa rematch ng dalawang first-round playoff opponents noong nakaraang season na naipanalo ng Toronto, 4-2.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Brooklyn Nets ang Orlando Magic, 98-95; binigo ng Portland Trail Blazers ang Chicago Bulls, 124-120 at dinispatsa ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers, 114-96.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with