CW Home, Los Mexicanos naghari
(Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Umiskor ng magkaibang paraan ng panalo ang CW Home Depot at Los Mexicanos sa Finals ng LGR Hoops Season 4.

Pinamunuan ni Raju Mohammed, binigo ng CW Home Depot ang Shangri-La, 96-65, para pagharian ang Corporate Division ng event na itinaguyod ng  Bugsy’s, Rain or Shine, Petron, Titan, NBA Store, Gatorade, BTV, Golds Gym, Zarks Burger, Kartilya, SYF at Ybalai.

Tumapos si Mohammed na may 22 points at 18 rebounds para sa CW Home Depot.

Samantala, isang 88-86 come-from-behind win na­man ang kinuha ng Los Mexicanos laban sa RJS Construction para tuluyan nang angkinin ang korona ng Neophyte category.

Nagtala si MJ Dizon ng 15 points, tampok ang krusyal na three-point play sa dulo ng fourth quarter, para sa panalo ng Los Mexicanos.

Kinuha ng RJS Construction ang five-point lead sa huling minuto ng final canto nang kumamada ang Los Mexicanos ng 7-0 atake para agawin ang tagumpay.

Samantala, naghari ang Wednesday Group at Bake­tech sa Novice 38-under at sa Novice Plus.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with