Conor McGregor

McGregor magbabalik sa UFC; Hindi na lalabanan si Pacquiao
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Ang pagsagupa kay Floyd Mayweather, Jr. no­ong Agosto ang huling pag­kakataon na makikita si Co­nor McGregor sa isang bo­xing fight.

Sinabi ni McGregor, ang Ultimate Fighting Championship lightweight king, sa panayam ng TMZ sa New York City na muli si­­yang lalaban sa loob ng Octagon sa UFC.

“I think a true fight is what I want to do next,” wi­­ka ni McGregor sa video na ipinoste online kahapon. “MMA next.”

Ang pahayag ni Mc­Gre­gor ang inaasa­hang magpa­patahimik kay Manny Pacquiao na nauna nang nag­paramdam sa Irish figh­ter.

Plano ng 39-anyos na si Pacquiao na labanan ang 29-anyos na si McGre­gor sa ibabaw ng boxing ring sa Abril ng 2018.

Ayon naman kay UFC president Dana White, mu­ling makikita sa aksyon sa UFC si McGregor matapos ang kanyang boxing debut no­ong Agosto laban kay May­weather.

“He’s not boxing anyone so calm down cry babies,” sabi ni White kay Mc­Gregor, huling lumaban noong Nobyembre ng 2016 nang kunin ang UFC lightweight title mula sa kanyang second-round TKO victory kay Eddie Alvarez.

Sa kanyang unang bo­xing fight laban sa 41-anyos na si Mayweather, kumo­lekt­a ng higit sa $300 mil­yon, ay nagbulsa si McGre­gor ng $100 milyon.

Plano ni White na itapat si McGregor kay UFC lightweight interim titlist Tony Fer­guson sa susunod na ta­on.

“Tony is the interim champion, Conor is the champion, it’s the fight that makes sense. It’s the fight that has to happen,” sabi ni White. “It doesn’t make sense, it’s the fight that has to happen.”

Nagmula naman si Pac­­quiao sa isang unanimous decision loss kay Jeff Horn kung saan niya nai­­­suko ang hawak na World Boxing Organization wel­terweight crown no­ong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Wala pang pahayag si Pac­quiao kung sino ang kan­yang lalabanan sa 20­18.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with