Narvasa tuluyan nang bumaba sa puwesto
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Tuluyan nang lilisanin ni Chito Narvasa ang kanyang puwesto sa Philippine Basketball Association.

Nagsumite ng resignation letter si Narvasa bilang Commissioner ng liga na kaagad namang tinanggap ng PBA Board of Governors kahapon.

Ito ang kumpirmasyon ni PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa bago magsimula ang 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ngunit hiniling ng Board of Governors kay Narvasa na tapusin muna ang taon bago tuluyang tuldukan ang kanyang panunungkulan.

“We reached out to Commissioner Narvasa. We made amends for the things that needed to be clarified and work out on his personal hurts on the process. As a result of that, this morning, he submitted his resignation which was effective today,” wika ni Vargas.

Itinalaga si external affairs director Willie Marcial bi­lang officer-in-charge (OIC) upang hawakan ang mga ma­iiwang gawain ni Narvasa.

Nanindigan ang Board of Governors na solido ang liga dahil tungkulin nitong bigyan ng magandang laro ang milyun-milyong tagasuporta ng pinakamatandang commercial league sa Asya.

“Now we’re stronger than ever, stronger together and we’ll stay like that as we begin the healing process of the PBA. This is all for the fans,” dagdag ni Vargas.

Si Narvasa ang ika-siyam na Commissioner ng PBA.

Nagsimula siyang manungkulan bilang PBA Commissioner noong Mayo 14, 2015.

Sa kanyang liderato ay isa sa maiiwan niyang marka ang all-time PBA attendance na umabot sa mahigit 54,000 sa Philippine Arena sa Game Seven ng PBA Governor’s Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts.

Kaya naman malaki rin ang pasasalamat ng Board of Governors sa mga nai-ambag ni Narvasa sa liga.

“We thank him also for all his contributions to the PBA,” dagdag ni Vargas.

Nagkaroon ng paksyon ang PBA Board of Governor’s makaraang payagan ni Narvasa ang trade sa pagitan ng San Miguel at Kia na kinasangkutan ni Christian Standhardinger.

Dinala ng Beermen sina role players Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Rashawn McCarthy at isang 2018 draft pick sa Picanto para makuha ang hawak nitong No. 1 overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft.

Ito ang ginamit ng San Miguel para masunggaban ang 6-foot-8 na si Standhardinger.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with