Lyceum magpapalakas sa D-League
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kampanya sa NCAA, ibubuhos ng Lyceum of the Philippines ang lakas nito sa Philippine Basketball Association (PBA) D-League Aspirants’ Cup na magsisimula sa Enero 18.

Nais ni Pirates mentor Topex Robinson na gamitin ang D-League upang mas mahasa pa ang kanyang bataan para sa susunod na season ng NCAA.

Pamumunuan ang Pirates ni Season 93 MVP CJ Perez kasama sina Jesper Ayaay, Mike Nzeusseu, Jeffrey Santos, Ralph Tansingco, Aldrich Liwag, Reymar Caduyac, Niño Ibañez, Jeric Serrano, Edcor Marata, Jaycee Marcelino, Jayvee Marcelino, Kim Cinco, Spencer Pretta, Wilson Baltazar, Rhanzelle Yong at Alwin Alday.

Umaasa si Perez na makakakuha ng malalim na karanasan ang kanilang koponan sa D-League na madadala nito sa NCAA.

Magugunitang nakum­pleto ng Lyceum ang impresibong 18-0 sweep sa eliminasyon na nagdala sa kanila sa finals.

Subalit bigong maipagpatuloy ng Pirates ang magandang ratsada  matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan sa best-of-three championship series laban sa San Beda College.

Hindi lalahok sa Aspirants’ Cup ang two-time champion Cignal HD na binubuo sana ng mga manlalaro mula sa San Beda.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with