Centeno isinalba ang Pinas, swak sa Last 16
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ni Southeast Asian Games champion Chezka Centeno ang matikas na kamada nito sa main draw upang masiguro ang kanyang tiket sa Last 16 ng 2017 Women’s 9-Ball World Championship na ginaganap sa County Gymnasium sa Chengmai County, Hainan sa China.

Nalusutan ni Centeno ang hamon ni Liu Xia Zhi ng China bago iselyo ang 9-7 panalo sa first round ng knockout stage.

Sunod na makakasa­gupa ng 18-anyos Zamboanga City pride si Zhang Xiaotong ng China na nanalo sa kanyang kababayang si Fu Xiao Fang sa iskor na 9-8 sa torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Galing si Centeno sa pagkopo ng ikalawang sunod na ginto sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na sinundan nito ng pilak na medalya sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games na ginanap naman sa Ashgabat, Turkmenistan.

Hindi naman pinalad si two-time world champion Rubilen Amit nang yumuko ito kay Zhou Dou ng China, 7-9 sa kanilang opening round game.

Pasok din sa Last 16 sina Kelly Fisher ng England, Kuo Szu-Ting ng Chinese-Taipei, Ge Bai ng China at Lim Young ng South Korea na namayani rin sa kani-kanilang laban sa torneong may nakalaang kabuuang $175,000 premyo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with