Lakers ireretiro ang dalawang jersey numbers ni Kobe Bryant
(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2017 - 3:51am

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA, dalawang numero ng jersey ang ireretiro para ka Los Angeles star Kobe Bryant.

Nakatakdang iretiro ang No. 8 at No. 24 jersey ni Bryant sa pagkilala sa 20 taon niya sa liga sa Disyembre 18 sa laban ng Lakers kontra defending champion Golden State Warriors.

Unang ginamit ni Bryant ang number 8 noong 1996 hanggang 2006 at pinalitan niya ito ng number 24 hanggang magretiro siya nitong nakaraang taon.

Si Bryant ang ika-10 manlalaro ng Lakers na ireretiro ang jersey number.

"Kobe's jerseys are taking their rightful home next to the greatest Lakers of all time," pahayag ni Lakers owner Jeanie Buss.

"There was never any doubt this day would come. The only question was when. Once again, Lakers fans will celebrate our hero, and once again, our foes will envy the legendary Kobe Bryant."

Limang beses nagkampeon si Bryant at 18 beses napabilang sa All-Star, habang siya ang ikatlo sa may pinakamaraming puntos.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with