Rain or Shine suportado ang Sumilang Invitational cagefest
(Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Didribol ngayong hapon ang Rain or Shine-Sumilang Invitational para sa Santa Rosa de Lima Parish sa Sumilang Covered Court sa Pasig City.

Bumuo si lead organizer at dating PBA chairman Buddy Encarnado ng balanseng 10-team cast na kinabibilangan ng mga kasalukuyan at dating kampeon sa kanilang mga collegiate mother leagues.

Lalabanan ng reigning National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) champion Saint Clare College -Caloocan ang Technological Institute of the Philippines sa ganap na ala-1 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) titlist Manuel L. Quezon University  at  NAASCU runner-up Our Lady of Fatima University sa alas-3.

Makakasagupa naman ng National Capital Region Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (NCRUCLAA) runner-up De Ocampo Memorial College ang City University of Pasay sa alas-5 ng hapon, habang magtatagpo ang Philippine Merchant Marine School at AMA University sa alas-7 ng gabi.

Ang mga nakakuha ng opening day byes ay ang Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) at Universities and Colleges Basketball League (UCBL) champion Centro Escolar University at Philippine Christian University.

BUDDY ENCARNADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with