^

Ravena balik-aksyon na sa Alab Pilipinas

Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -    Pagkatapos malampasan ang personal na hamon, pagtuunan na ngayon ni Kiefer Ravena ang kampanya ng Alab Pilipinas sa kanilang paghaharap kontra sa Singapore Slingers sa semifinals ng 2017 ASEAN Basketball League sa OCBC Arena sa Singapore.

Balik  na si Ravena sa koponan ni Mac Cuan matapos magkaroon ng injury ang  kanyang daliri  natamo ha­bang naglalaro sa Mighty Sports sa Dubai ilang buwan na ang nakalipas.

“You can expect us to come out aggressive from the start and establish our defense early. With Kiefer in the lineup, expect us all the more to move the ball from side to side now that we have more options on offense,” sabi ni Cuan.

“Kiefer can also bring stability in our two position and a consistent threat offensively as well,” dagdag ni Cuan.

Binalewala ng anak ni dating PBA star Bong ang nangyaring extortion kung saan gusto lamang siyang pagka-perahan ng taong nadakip din ng mga alagad ng batas.

“ I’m trying to focus now on the task at hand and that is trying to get the championship back to the Philippines for the ABL,” wika ni Ravena.

Makakasama ng dating Ateneo Blue Eagles star ang Fil-Am na si Bobby Ray Parks Jr.  na sinubukan ding maglaro sa Dallas Mavericks affiliate team Texas Legends ng NBA D-League.

ASEAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with