Bolick inilapit ang cignal sa semis

Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2017 - 11:03pm

MANILA, Philippines -  Tinambakan ng Cignal ang Jose Rizal University, 94-50  kahapon para lalong palakasin ang pagsungkit ng top-two spots sa 2017 PBS D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena ng Pasig City.

Humakot ng 16 puntos si Robert Bolick para pa­ngunahan ang ika-pitong panalo ng Hawkeyes sa walong laro. 

Ipinakita ni Bolick ang kakayahan sa kanya ring apat na rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block shot para manatili ang koponan sa liderato.

Si Ben Adamos ay tumulong din ng 11 puntos at dalawang rebounds habang si Andreas Cahilig ay umiskor ng 11 puntos at apat na rebounds para sa Hawkeyes.

“We’re very happy with the way we played today. We stuck with our game plan and we were able to limit (Tey) Teodoro and (Paolo) Pontejos,” ani Cignal coach Boyet Fernandez kung saan isang panalo na lang ang kailangan ng Hawkeyes para makuha ang awtomatikong semis slot.

Sa umpisa pa lang ng laro ay lu­­mayo na kaagad ang Cig­nal, 28-13 tungo sa pina­kamalaking bentahe, 94-46 sa huling minuto ng fourth period sa layup ni Calvin Oftana.

Tanging si Abdel Poutouochi lamang ang gumawa ng double-digit para sa JRU sa kanyang 10 puntos at pitong rebounds.

Sa unang laro, nagwagi naman ang Wangs Basketball kontra sa Blustar Detergent, 87-78 para manati­ling buhay ang pag-asang makapasok sa quarterfinal round.

Umiskor si John Ta­yongtong ng 18 puntos, limang assists at apat na rebounds para sa ikatlong panalo ng Couriers sa walong laro at lumapit sa pang-anim na puwesto.

Kahit naiwanan na ng mahigit 20 puntos, 47-67 sa ikatlong yugto,  ayaw pa ring sumuko ng Blustar at nagawa pa nitong pababain sa limang puntos na lamang, 76-81 ang abante ng Wangs sa hataw nina Jason Melano at Mak Long Seng mahigit 2:04 ang natitira sa laro.

Si Tayongtong ay kumada ng apat na puntos sa huling anim ng Wangs Courier para isalba ang koponan at ipalasap sa Blustar ang ika-pitong sunod na talo.

JOSE RIZAL UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with