Pagkawala ni Love ‘di problema sa Cavs
(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2017 - 12:00am

MINNEAPOLIS - Tiniyak ni LeBron James sa mga fans ng Cleveland Cavaliers na walang magi­ging problema bagama’t nagkaroon si Kevin Love ng knee injury.

Nagposte si James ng 25 points, 14 assists at 8 rebounds para pangunahan ang Cavaliers sa 116-108 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Channing Frye ng 21 points at 10 rebounds para saluhin ang naiwang trabaho ni Love, anim na linggo ang ipapahinga matapos sumailalim sa surgery sa kanyang kaliwang tuhod.

Nagtala rin si Kyre Irving ng 25 points para sa Cavs at sinelyuhan ni James ang kanilang tagumpay mula sa isang stepback 3-pointer sa huling dalawang minuto sa fourth quarter.

Nagpasabog naman si Andrew Wiggins ng 41 points kasunod ang 25 markers ni Karl-Anthony Towns para sa  Wolves, tinapos ang six-game homestand sa 2-4.

Kinuha ng Cavs ang 14-point lead sa third quarter, ngunit kumamada naman si Wiggins ng 20 points para ilapit ang Wolves sa nasabing yugto.

Ang kanyang 3-pointer ang nagtabla sa Minnesota sa 93-93 papasok sa fourth period.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Chicago ang Toronto, 105-94; habang tinakasan ng Sacramento Kings ang Los Angeles Lakers, 97-96.

LEBRON JAMES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with