JRU sumampa sa liderato

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napigilan ng Jose Rizal University ang matikas na kamada ng Batangas, 70-65 upang makisalo sa lide­rato sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naasahan ng Heavy Bombers si Ervin Grospe nang bumanat ito ng 20 puntos kasama ang tatlong rebounds para dalhin ang kanyang tropa sa ikalawang sunod na panalo.

Naramdaman din ang lakas ni Tey Teodoro na siyang umariba sa ikatlong kanto nang magtala ito ng pito sa kanyang 18 kabuuang puntos, para makuha ng Jose Rizal ang 11 puntos na kalamangan, 53-42.

“Just like every time, I tell my players to keep pla­ying. Our defense today was a big improvement compared to our last game,” wika ni Jose Rizal coach Vergel Meneses.

Naglatag ng mainit na ratsada ang Batangas sa fourth quarter sa pangu­nguna ni Joseph Sedurifa para makalapit sa 58-61.

Subalit hindi ito nasustenihan ng Batangueños sa huling sandali ng laro matapos humarurot ang Heavy Bombers tungo sa panalo.

Nangibabaw si Sedurifa sa hanay ng Batangas nang magtala ito ng 18 puntos at anim na rebounds habang nagdagdag si CJ Isit ng 12 markers.

Sumulong ang Jose Rizal sa 2-0 para samahan ang AMA Online Education sa tuktok ng standings.

Naunang tinalo ng Hea­vy Bombers ang Blustar Detergent, 75-64.

JRU 70 - Grospe 20, Teodoro 18, Bautista 9, Lopez 7, Dela Virgen 6, Lasquety 4, Poutouochi 4, Sawat 2, Mate 0, Sabellina 0, Pontejos 0.

BATANGAS  65 - Sedurifa 18, Isit 12, Fortu 9,  Ablaza 9, Dela Pena 4, Sara 3, De Joya 3, Mendoza 3, Laude 2, Inciong 2, Anderson 0, Revadavia 0, Delfinado 0, Menor 0.

Quarters: 18-18, 34-38, 55-44, 70-65.

JOSE RIZAL UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with