Tinakpan ni Mick Pennisi ng Globalport ang mata ni Frank Golla ng TNT Katropa sa aksyong ito sa PBA Commissioners’ Cup nitong Miyerkules.
Jun
Aces pupuwesto na sa quarterfinalist
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlo na ang nakakuha ng tiket at hangad ng Alaska na makasama sa nasabing eight-team quarterfinals cast ng 2017 PBA Philippine Cup.

Target ang kanilang ikalawang sunod na panalo, lalabanan ng Aces ang quarterfinalist nang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng mga sibak nang Mahindra Floodbuster at NLEX Road Warriors sa alas-4:15 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Maliban sa Phoenix, ang dalawa pang nakakuha ng silya sa quarterfinals ay ang nagdedepensang San Miguel at TNT Katropa na may 9-1 at 6-4 baraha, ayon sa pagkakasunod.

Kasosyo naman ng Alaska sa ikatlong puwesto sa magkakatulad nilang 5-4 baraha ang Rain or Shine at Star, sumasakay sa two-game winning run.

Nanggaling ang Aces sa 107-91 pagdurog sa talsik nang Floodbuster noong Enero 22 kung saan kumamada si Vic Manuel ng 20 points kasunod ang 18 at 11 markers nina Calvin Abueva at JVee Casio, ayon sa pagkakasunod.

Sa tournament format ay walong koponan ang aabante sa quarterfinals kung saan ang No. 1 at No. 2 teams ang mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive at sasagupa sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Maglalaban naman ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at  No. 5 sa dalawang best-of-five quarterfinals series.

Puntirya naman ng Fuel Masters ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos gibain ang Gineb­ra Gin Kings, 79-73 noong Enero para angkinin ang ikalawang quarterfinals slot.

“I think everybody on the team is starting to click. It’s not only because we’re playing Ginebra, but we’re trying to game some steam towards the playoffs,” sabi ni Fil-Canadian rookie wingman Matthew Wright sa Phoenix.

Hangad ng Fuel Masters na makalapit sa isa sa dalawang twice-to-beat’ incentive.   

2017 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with