Alyssa Valdez
Valdez inaasahan sa Phl team
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bilang mukha ng Philippine volleyball, umasa ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) na sasali sa kanilang itinakdang tryouts para sa national team si three-time UAAP Most Valuable Player Alyssa Valdez.

“The expression of intent itself is very commendable of Alyssa being a true athlete. We’re very hopeful that she can join the tryouts,” sabi ni LVPI president Joey Romasanta kahapon sa PSA Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Gagawin ang tryouts sa Arellano Law University campus sa Pasay City.

Ilalahok ang mabubuong Philippine women’s team sa Asian Women’s Seniors Championship sa Manila sa Hul­yo at sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur sa Agosto.

Ayon kay Francis Vicente, ang hinirang na head coach ng women’s team, wala nang pagpipilian si Valdez kundi ang sumali sa tryouts na itinakda sa Enero 29-31 kung gusto niyang mapasama sa national team.

Si Valdez ay nasa Thailand at maglalaro para sa ko­ponan ng 3BB Nakornnont sa Thai League bilang isang import.

 

VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with