San Beda amoy ang sweep sa men’s football
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kumana si Filipino-Bri­tish Connor Tacagni ng da­lawang goals upang hatakin ang San Beda College sa 2-1 come-from-behind win laban sa Lyceum of the Philippines University at ma­kalapit sa inaasam na sweep sa NCAA Season 92 football tournament kahapon sa Rizal Memorial Football Field.

Naitala ni striker Riel Mark Subebe ang goal sa ika-15 minuto ng laban upang dalhin ang Pirates sa 1-0 kalamangan.

Subalit hindi agad su­muko ang Red Booters nang pamunuan ng 24-anyos na si Tacagni, mu­la sa Manchester, England, ang ratsada maka­ra­ang isalpak ang umaatikabong goal sa ika-41 minuto upang maitabla ang laro.

Muling umariba si Tacagni sa second half nang humataw ng isa pang goal sa ika-81 minuto para tu­lu­yang angkinin ng Red Booters ang panalo.

“I just focused on helping my team win,” ani Tacagni.

Dalawang panalo na la­mang ang kinakaila­ngan ng San Beda upang ma­kum­pleto ang minimit­hing sweep na magbibigay sa ka­nila ng awtomaikong ti­­tulo.

Makakasagupa ng San Beda ang defending champion na Arellano University bukas kasunod ang pakiki­pagtuos sa College of St. Be­nilde.

Kung maisasakatupa­ran ng Red Booters ang sweep, ito ang kanilang magiging ika-22 korona sa liga.

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with