Horn kayang bigyan ng problema si Pacquiao
GOTCHA - Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Marami ang nagulat nang sabihin ni promoter Bob Arum na itatapat niya kay Filipno world eight-division champion Manny Pacquiao ang isang hindi kilalang Australian contender.

Sa panayam ng Sky Sports ay sinabi ni Jeff Horn na kaya niyang bigyan ng problema si Pacquiao sa loob ng boxing ring kung maitatakda ang kanilang bakbakan.

“I feel like my style will suit fighting Pacquiao,” wika ni Horn.

“He’s a good mover, he’s a hard puncher, but he hasn’t knocked out any welterweights any time soon, and I don’t think he would be able to knock out me either, unless I ran into a big one of his,” dagdag ni Horn.

Muling nakamit ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang WBO welterweight title matapos talunin si Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) via unanimous decision sa kanyang comeback fight noong Nobyembre 6, 2016.

Saglit na nagretiro si Pacquiao matapos biguin si Timothy Bradley Jr. (33-2-1, 13 KOs) sa kanilang ikatlong paghaharap noong Abril.

Ang 28-anyos na si Horn  (16-0-1, 11 KOs) ang No. 2 contender para sa bitbit na WBO welterweight belt ng 38-anyos na si Pacquiao.

Naniniwala ang dating school teacher na may sapat siyang kakayahan para gulatin si Pacquiao at agawin ang korona ng Senador.

Kamakailan ay humingi si Pacquiao ng guaranteed prize na $20 milyon kay Arum ng Top Rank Promotions para harapin si unified light welterweight king Te­rence Crawford (30-0-0, 21 KOs).

BOB ARUM
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with