Nueva Ecijano cyclist sumikwat ng 2 ginto
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2016 - 12:00am

Quirino, Erediano umeksena rin

TAGUM, Davao del Norte, Philippines – Inangkin ni Joseff Miguel Quirino ng Malaybalay, Bukidnon ang unang inilatag na gintong medalya sa 2016 Batang Pinoy National Championships kahapon sa Davao del Norte Sports Complex dito.

Nagsumite ang 13-anyos na si Quirino ng bilis na 10 minuto para kunin ang gold medal sa boys’ 10-14 years old sa criterium event ng cycling competition.

“First time ko lang po sumali rito sa Batang Pinoy kaya nagpapasalamat ako sa Panginoon na maganda ang natapos ko,” sabi ng Grade 7 student ng San Isidro College.

Ang ikalawang gold medal ay nakamit ni Moira Francis Erediano ng Cebu Province sa girls’ 10-13 years old class sa kanyang oras na 11.40.

Hinirang naman  ang tubong Nueva Ecija na si Genisis Marana, pinsan nina dating Marlboro Tour ve­terans Ariel at Dominador Marana, bilang unang double-gold medal winner nang pagreynahan ang girls’ 14-15 at 16-17 years old category sa kanyang mga tiyempong 14.34 at 23.30, ayon sa pagkakasunod.

Binuksan na rin kaha­pon ang mga eliminasyon sa archery, arnis, badminton, baseball, basketball (3-on-3), boxing, chess, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, table tennis, volleyball.

Samantala, kabuuang 13 ginto  ang paglalabanan sa Day One ng athletics event ngayong araw.

Ang mga ito ay sa boys’ 16-17 yrs old 500-meter run, shot put, 2,000m walk at 1,500m run, boys’ 13-15 yrs old high jump, long jump at 1,500m run, girls’ 13-15 yrs old long jump, shot put at 1,500m run at girls’ 16-17 yrs old 2,000m walk, high jump at 1,500m run.

Nakatakda ring si­mulan ang mga labanan sa cycling (BMX/MTB), dancesport, triathlon, weightlifting at wrestling sa nasabing sports event para sa mga batang may edad 17-anyos pababa na umaasang makakasama sa national training pool.
 

JOSEFF MIGUEL QUIRINO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with