Nakuhanan ng foul ni Dwyane Wade ng Bulls si Justise Winslow ng Heat nang tangkain siya nitong depensahan.
Wade nag-init sa Miami, Bulls itinakas
(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2016 - 10:36pm

MIAMI--Sa loob ng 13 taon ay ginawa ni Dwyane Wade ang mga ‘winning plays’ para sa Miami Heat.

Inulit niya ito kahapon, ngunit ngayon ay hindi ito ikinatuwa ng Heat.

Nagsalpak si Wade ng dalawang krusyal na free throws sa huling 13.7 segundo para tulungan ang Chicago Bulls sa 98-95 pagtakas sa Heat sa kanyang unang paglalaro laban sa dati niyang koponan.

“I can only imagine what he was going through today,” sabi ni Bulls coach Fred Hoiberg kay Wade, nagbigay sa Heat ng tatlong NBA crowns.

Bitbit ng Chicago ang 94-92 abante nang makahugot si Wade ng foul mula kay Justise Winslow sa sideline galing sa isang inbounds pass.

Nagtala si Jimmy Butler ng 20 points at kumolekta si Rajon Rondo ng 16 points at 12 assists para sa Bulls, habang umiskor si Robin Lopez ng 16 points kasunod ang 13 ni Doug McDermott at 10 ni Nikola Mirotic.

Pinangunahan naman ni Hassan Whiteside ang Miami sa kanyang 20 points at 20 rebounds, habang nag-ambag sina Dion Waiters at Josh Richardson ng tig-16 markers.

Sa Denver, kumamada si Stephen Curry ng 33 points para igiya ang Golden State sa 125-101 paggupo sa Nuggets.

Nagwakas naman ang 72 straight regular-season games ni Kevin Durant na umiskor ng higit sa 20 points matapos malimitahan sa 18 markers.

WADE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with