Manny-Floyd rematch posible sa 2017?
(Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2016 - 12:00am

LAS VEGAS - Marami ang nagulat nang pumasok si Floyd Mayweather Jr. sa Thomas & Mack Center bago ang laban nina Manny Pacquiao at Jessie Vargas.

Binuksa siya ng 16,132 fans na dumagsa sa arena sa paglalakad niya patungo sa kanyang silya sa ringside.

Nakita siyang nakikipag-usap kay dating welterweight champion Timothy Bradley, Jr. na tumayong analyst sa broadcast panel.

Kapwa sinabi nina Pacquiao at Bob Arum ng Top Rank Promotions na alam nilang darating ang retiradong 39-anyos na American world five-division titlist para panoorin ang laban.

“He (Mayweather) called, he was very nice. He said he wanted to watch so (Top Rank president) Todd (duBoef) got him credentials,” wika ni Arum.

“We seated him at ringside and we got tickets for his entourage,” dagdag pa ni Arum.

Pinanood ni Mayweather ang laban nina Pacquiao at Vargas at sa 11th round ay tumingin ang Filipino icon sa direksyon ng American legend na tila nagtatanong sa huli kung gusto nito ang kanyang ipinapakita.

Ibinunyag ni Pacquiao na personal niyang inimbitahan si Mayweather.

“Yes, I invited him to come tonight. He’s my guest,” sabi ng Senador kay Mayweather na bumuhay sa usapin ng kanilang rematch.

Noong Setyembre ng 2015 ay nagretiro si Mayweather, tinalo si Pacquiao noong Mayo 2, at sinasabing wala nang planong lumaban.

 “Floyd is retired. I respect that,” wika ni Arum sa dati niyang boksingero.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with