Napabagsak ni Manny Pacquiao si Jessie Vargas sa second round ngunit nabigong makuha ang knockout win.
Bagama’t hindi nakaiskor ng knockout win: Pacquiao unang Senador na World Boxing Champion
Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2016 - 12:00am

LAS VEGAS - Hindi man niya napabagsak si Jessie Vargas ay nagsulat naman ng kasaysayan si Manny Pacquiao bilang kauna-unahang Senador na hinirang na world boxing champion.

Ganap na dinomina ni Pacquiao, may  59-6-2 win-loss-draw record kasama ang 36 knockouts, si Vargas (27-2-0, 10 KOs) para kunin ang unanimous decision at agawin sa Mexican ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown kahapon dito sa Thomas & Mack Center.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na naisuot ni Pacquiao ang WBO welterweight belt.

Nakahugot ang 37-anyos na si Pacquiao ng mga is­kor na 115-113, 118-109 at 118-109 mula kina judges Carl Moretti, Glenn Feldman at Glenn Trowbridge, ayon sa pagkakasunod.

Ibinigay ni Moretti sa 27-anyos na si Vargas ang lima sa unang anim na rounds ng nasabing laban.

“I’m so happy with my performance. I tried every round to knock him down,” sabi ni Pacquiao. “I’ll fight whoever the people want me to fight. I am not going to pick my opponent.”

Huling nakaiskor si Pacquiao ng isang knockout win noong Nobyembre ng 2009 matapos pigilin si Miguel Cotto sa 12th round para agawin sa Puerto Rican ang hawak nitong WBO welterweight belt.

Pinabagsak ni Pacquiao si Vargas sa second round mula sa kanyang matulis na left hand.

Aminado si Vargas na hindi niya kaya ang bilis at lakas ng Filipino world eight-division champion.

“Fighting Manny Pacquiao is like playing a very fast game of chess,” ani Vargas. “You have to be alert at all times. There were a lot of punches coming in.”

Nagpakitang-gilas si Pacquiao sa 12th round matapos makakonekta ng ilang malalakas na suntok at makaiwas sa pamatay na overhand right ni Vargas.

HIndi naman naitago ni veteran trainer Freddie Roach ang kanyang kasiyahan sa ipinakita ni Pacquiao, nagawang makapag-ensa­yo sa kabila ng pagiging aba­la sa kanyang tungkulin sa Senado.

“I’m so proud of Manny,” sa­bi ni Roach. “He had a killer schedule and only Manny could complete it.”

Nakakonekta si Pacquiao ng 101 sa kanyang bi­­nitawang 212 power pun­ches kumpara sa 70-of-305 power punches ni Vargas.

Muntik nang mapatumba ni Pacquiao si Vargas sa 11th at 12th round, ngunit ito ay itinuring ni referee Kenny Bayless bilang pagkakadulas lamang.

Pinilit ni Vargas na kontrolin ang laban, subalit sad­yang hindi niya mapantayan ang bilis ni Pacquiao.

“It was a chess match and I believe it was in the third round he caught me with a good shot -- a left hand,” sabi ni Vargas.

“We caught him a few times. But he’s a very expe­rienced fighter. He’s a le­gend. We give him credit. I was staying in my toes and trying to catch him,” dagdag pa nito.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with