Lady Eagles, Stags agawan sa huling tiket sa semis sa Shakey’s V-League
(Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2016 - 12:00am

Laro Ngayon

(Philsports Arena)

(Spikers’ Turf)

10 a.m. UST vs NU

12 nn. La Salle vs Ateneo

(V-L playoff)

6 p.m.  SSC vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng da­ting NCAA champion San Sebastian College at da­ting UAAP titlist Ateneo ang huling tiket sa Final Four sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Eagles sa alas-6 ng gabi.

Parehong galing sa kabiguan ang San Sebas­tian at Ateneo dahilan upang magsosyo ang mga ito sa ikaapat na puwesto tangan ang parehong 2-3 baraha na siyang dahilan upang magkaroon ng playoff para sa No. 4 spot.

Yumuko ang Lady Stags sa UP, 17-25, 25-23, 5-25, 18-25, habang taob ang Lady Eagles sa FEU, 18-25, 19-25, 22-25.

Pangunahing sasandalan ng San Sebastian si Grethcel Soltones ngunit kailangan nito ang sapat na suporta mula kina Denice Lim, Katherine Villegas, Joyce Sta. Rita, libero Alyssa Eroa at setter Vira Guillema gayundin sina Nikka Dalisay, Daureen Santos at Dangie Encarnacion.

Sa panig ng Ateneo, ramdam ang pagkawala nina Alyssa Valdez at Amy Ahomiro ngunit kinakaila­ngan ng Lady Eagles na tumayo sa kanilang sariling mga paa at gamitin ang karanasang makukuha sa V-League para sa kanilang kampanya sa UAAP.

Papalo para sa Ateneo sina team captain Michelle Morente, Kim Gequillana, Ana Gopico, Pauline Gaston, Bea de Leon, Jessica Tan, Julianne Samonte at playmaker Julia Morado.

Sa Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Confe­rence, magsisimula na ang best-of-three semis series tampok ang paluan ng UST at  NU sa alas-10 ng umaga at ng La Salle at Ateneo sa alas-12. (CCo)

DANNY HELEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with