7 balik-imports sa PBA Governors’ Cup
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pitong balik-imports ang muling mapapanood para sa darating na 2016 PBA Governors’ Cup na didribol sa Hulyo 15.

Muling kakampanya para sa Star si Marqus Blakely, habang maglalaro pa rin si Arizona Reid para sa San Miguel at humugot naman ng mga dating PBA reinforcements ang Barangay Ginebra, NLEX, Blackwater, Globalport at Meralco.

Ipaparada ng Gin Kings si Paul Harris, da­ting nag­laro para sa Talk ‘N Text Tropang Texters, samantalang kinuha ng Road Warriors si Bill Walker na bumandera para sa Alaska Aces noong 2014.

Sasandal naman ang Elite kay dating Meralco import Eric Dawson, habang aasa ang Batang Pier kay Dominic Sutton, dating naglaro para sa Road Warriors at hinugot ng Bolts si Allen Durham, kumampan­ya para sa Barako Bull Energy.

Sa handicapping rules, pinayagan ng PBA ang Globalport, Phoenix, Blackwater at Mahindra, ang mga maagang nasibak sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup, na kumuha ng import na may taas na hanggang 6-foot-9.

Ang walo pang kopo­nan ay makakapagparada lamang ng mga reinforcements na may 6’5 height limit.

Samantala, itatampok naman ng NLEX, Talk ‘N Text at Mahindra ang mga bagong mukhang sina Bill Walker, Jason Maxiell at James White, ayon sa pagkakasunod.

SNAPCHAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with