_ngayon
^

IEM nagpakatatag sa No. 2 sa Spikers’ Turf Bali Pure ipinagpag ang Iriga

Celso Amo, Cecille Suerte Felipe, John Unson (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakabangon ang Bali Pure sa masamang pa­nimula upang hatakin ang 18-25, 25-18, 25-13, 25-21 panalo laban sa Iriga kahapon sa Shakey’s V-League Season 13-Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Hindi man nakapag­laro ang top players nito, nagawa pa ring makalusot ng Water Defenders nang banderahan ni two-time NCAA MVP Grethcel Soltones ang opensa ng koponan matapos pumalo ng 22 puntos - 18 galing sa attack line at apat naman sa service area.

“Kulang kami sa pla­yers kaya ginawa lang namin ang lahat. Kailangan naming mag-step up para mapunan yung nawala and we’re happy na nagawa naman namin ang mga sinasabi ni coach (Ato Toyco) sa amin,” ani Soltones patungkol kina Jem Ferrer, Charo Soriano, Bea Tan at Ella De Jesus na hindi nakapaglaro.

Nagpapahinga pa rin si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na galing sa ilang linggong tour sa Europa.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Water Defenders para mapaganda ang kanilang marka sa 2-1 rekord para sa solong ikatlong puwesto.

Sa Spikers’ Turf, nailista ng Instituto Estetico Manila ang ikalawang sunod na panalo matapos pigilan ang Sta. Elena Construction, 18-25, 25-23, 25-17, 29-27.

Napatatag ng IEM ang kapit nito sa solong ikalawang puwesto hawak ang malinis na 2-0 kartada sa ilalim ng nangungunang Cignal na markado ng 3-0 rekord.

CAMARINES SUR DROWNING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with