Reyes kampeon sa One Pocket Invitational
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Naibulsa ni legendary cue master Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang unang korona sa taong ito matapos pagha­rian ang Accu-Stats One Pocket Invitational Tournament na ginanap sa Simonis Arena sa Edison, New Jersey sa USA.

Itinarak ng dating World Pool 9-Ball Championship winner na si Reyes ang pukpukang 4-3 panalo laban sa Amerikanong si Shane Van Boening sa kanilang best-of-seven championship showdown.

Maagang inilatag ni Reyes ang kanyang tikas nang kubrahin nito ang 3-1 kalamangan sa pagsisimula ng bakbakan.

Ilang krusyal na mintis ang nagawa ng tinaguriang ‘The Magician’ sa mga sumunod na laro dahilan upang makalapit ang Amerikano at maitabla ang iskor sa 3-3.

Ngunit muling lumabas ang malalim na karanasan ni Reyes sa deciding Game 7 matapos ipamalas ang suwabeng pagtumbok at impresibong ball placings upang tuluyang angkinin ang panalo.

Napasakamay ni Reyes ang $5,000 premyo habang nagkasya sa $4,000 konsolasyon si Boening.

Umusad sa finals si Reyes matapos magtala ng 4-1 rekord sa eliminasyon.

Kabilang sa mga tinalo ni Reyes sa eliminasyon sina Danny Smith (4-2), Tony Chohan (3-1), Jeremy Jones (3-0) at Boening (4-2) habang ang kanyang nag-iisang kabiguan ay laban sa kababayang si Alex Pagulayan (3-4).

Nagtapos lamang sa ikalimang puwesto si Pagulayan na may 1-4 marka sa eliminasyon. 

ISABELA PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with