_ngayon
^

PSN Palaro

Desperado na ang Cavs pipiliting makuha ang Game 3

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND - Alam ng Cavaliers na kung matatalo sila sa Game Three laban sa Golden State Warriors ay tuluyan nang mawawala ang kanilang tsansa sa NBA Finals.

Iniwanan ng Warriors sa 0-2, pipilitin ni LeBron James at ng Cavs na ma­kabalik sa kanilang best-of-seven championship series simula sa Miyerkules.

Kung maitatayo ng Warriors ang malaking 3-0 kalamangan sa serye sa pamamagitan ng isang road victory ay mapapalawig nila ang dominasyon sa Cavs sa walo kasama ang huling tatlong laro sa nakaraang NBA Finals.

Wala pang NBA team ang nakabangon mula sa 0-3 pagkakabaon at nanalo ng kampeonato.

Ngunit optimistiko pa rin si Cavs coach Tyronn Lue.

“The guys are not dis­couraged,” sabi ni Lue matapos ang 77-110 ka­biguan ng Cavaliers sa Warriors sa Game Two sa Oracle Center.

“They did what they were supposed to do, they won two games at home. We’ve got to get home and do the same,” dagdag pa nito.

Ngunit laban sa Golden State, ang best ever regular season team sa NBA na may record na 73 wins sa season, ito ay mahirap gawin.

“We’ve got to be better at all facets of the game, both offensively and defensively, both physically and mentally,” sabi ng four-time league MVP na si James.

Sinisi ng Cavaliers’ leader, nasa kanyang ikaanim na NBA Finals, ang kanyang sarili dahil sa pagbagsak ng Cleveland.

“I turned the ball over way too much,” wika ni James, nakagawa ng 8 turnovers sa Game Two. “I’ve got to be better. I’ve got to be better with the ball.

BIG-TIME DRUG LORD BOHOL DRUG DEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with