China diniskaril ang Ceres La Salle FC
Olmin Leyba (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagwakas na ang makasaysayang ratsada ng Ceres La Salle FC sa AFC Cup.

Ito ay matapos isuko ng Ceres ang 0-1 kabiguan sa extra time laban sa South China A sa Round-of-16 sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City noong Martes.

Sinipa ni Brazilian Luiz Carlos ang game winner mula sa defensive lapse ng Ceres sa 107th minute na dumiskaril sa pagpasok ng Busmen sa quarterfinals.

Umabante naman ang South China sa Last-8 sa ikalawang sunod na taon.

Ang marginal goal ni Carlos sa extra time ay mula sa pasa ni Cameroonian Mahama Awal galing kay Law Hiu Chung.

Dalawang beses naman nabigo sina Bienvenido Maranon at Tsang Man Fai na maitabla ang Ceres.

Sa pagkakasibak ng Ceres ay tanging ang Kaya FC na lamang ang Phl squad na lumalaban sa AFC Cup KO stage.

Kalaban ng Kaya booters ang defending champion Johor Darul Ta’zim ng Malaysia para sa isang Last-8 berth habang isinusulat ito sa Johor Bahru, Malaysia.

CEBU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with