Slaughter, Ganuelas-Rosser ‘di na makakasama sa Gilas
Slaughter, Ganuelas-Rosser ‘di na makakasama sa Gilas
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang laban, kaliwa’t kanang problema na ang kinakaharap ng Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo 5 hanggang 10  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dalawang manlalaro agad ang nalagas sa koponan dahil sa kani-kanilang injury.

Ito ay sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Matt Ganuelas-Rosser ng San Miguel Beer na parehong may ankle injury.

Nakatakdang sumailalim sa operasyon ang 6-foot-11 na si Slaughter na mangangailangan ng ilang buwang pahinga upang tuluyan itong maghilom kasama pa ang proseso ng rehabilitasyon.

Si Ganuelas-Rosser naman ay nauna nang dumaan sa operasyon at kasalukuyang nagpapagaling.

Hindi pa rin nagpapakita sa ensayo si naturalized player Andray Blatche na nauna nang napaulat  na nasa Amerika kasama ang maysakit na ina.

Subalit inaasahang darating sa susunod na linggo si Blatche upang makasama ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito sa Olympic qualifying event.

Tapos na ang Commissioner’s Cup sa PBA kaya’t umaasa ang coaching staff sa pangunguna ni head coach Tab Baldwin na makukumpleto na ang pagsasanay ng Gilas Pilipinas.  Target ng Pilipinas na makuha ang kampeonato sa Manila Leg ng Olympic qualifying dahil ang mangungunang koponan lamang ang makasisiguro ng tiket sa Rio Games na gaganapin sa Agosto sa Brazil.

Ngunit hindi magiging madali ang daang tatahakin ng Gilas Pilipinas dahil makakasagupa nito sa Group B ang matitikas na koponan ng France at New Zealand na parehong nagtataglay ng mga NBA players sa koponan.

Kung makalulusot ito sa group stage, posible pang makaharap ng Gilas Pilipinas sa crossover semifinals ang isa sa mga koponan sa Group A na kinabibilangan ng Canada, Turkey at Senegal. (CCo)

MAYNILA PORT AREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with