Donaire itataya ang korona kay Bedak
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – May makakalaban na si super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Itataya ni Donaire ang kanyang suot na World Boxing Organization super bantamweight crown laban kay Zsolt Bedak ng Hungary sa Abril 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pormal na inihayag kahapon ni Carl Moretti ng Top Rank Promotions.

“t’s a great opportunity for Nonito to defend his world championship in his homeland against a world-ranked and extremely capable opponent,” wika ni Moretti sa naturang laban na isasaere ng ABS-CBN.

Muling napasakamay ni Donaire ang WBO title nang talunin si Cesar Juarez noong Disyembre 11 sa Puerto Rico.

Ang WBO super bantamweight belt ay nakuha ni Do­naire matapos talunin si Wilfredo Vazquez Jr. noong 2012 sa San Antonio, Texas.

Ang unanimous decision win ni Donaire kay Juarez ang muling nagbigay sa tubong Talibon, Bohol ng nasabing 122-pound crown.

Ang 33-anyos na si Donaire (36-3-0, 23 KOs) ay nagkampeon sa flyweight, bantamweight, super bantamweight atd featherweight divisions.

Matapos maisuko ang suot na featherweight title via sixth-round knockout kay Nicholas Walters noong Oktubre ng 2014 ay nagbalik si Donaire sa super bantamweight division kung saan siya nanalo ng tatlong sunod.

Ang 32-anyos na si Bedak (25-1-0, 8 KOs), ay nasa isang 10-fight winning streak matapos matikman ang ka­una-unahan niyang pagkatalo kay Vasquez noong 2010.

Matapos ang panalo kay Juarez ay hindi na huminto sa kanyang pagsasanay si Donaire.

ACIRC ANG CARL MORETTI CESAR JUAREZ DONAIRE FILIPINO FLASH JUAREZ MATAPOS NICHOLAS WALTERS NONITO PUERTO RICO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with