Hontiveros balak nang magretiro sa pagtatapos ng PBA season
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – May dalawa pang komperensya si Dondon Honti­veros para makakuha ng PBA title bago tuluyang mag­retiro.

Umasa si Hontiveros na makakamit niya ang posibleng maging huli niyang PBA championship kundi lamang naisuko ng Alaska ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng San Miguel.

“I was thinking of retiring if we win. Retire with a win, but it didn’t happen,” sabi ng 16-year PBA veteran. “We still have two conferences to work on it and make it spe­cial.”

Matapos magpasikat sa nagibang Metropolitan Basketball Association ay lumipat ang Cebuano hotshot sa PBA noong 2010 para maglaro sa Tanduay Rhum Masters ni coach Alf­rancis Chua.

Sa 89-96 kabiguan ng Aces sa Beermen sa Game Seven ay nagtala ang 38-anyos na si Hontive­ros ng 6 points mula sa mal­­amyang 2-of-8 fieldgoal shooting.

“Maganda sana kung na­nalo, maganda sana ang retirement. Right now I’m emotionally drained,” wika ng 6-foot-1 na si Hontiveros.

ACIRC BEERMEN CEBUANO CHUA DONDON HONTI GAME SEVEN HONTIVEROS METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION SAN MIGUEL SHY TANDUAY RHUM MASTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with