Hayward nagpasiklab sa panalo ng Jazz
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

SALT LAKE CITY - Napapaligiran ng koponang walang injury, si Gordon Hayward ay naging isang dominant player na inasahan sa kanya ng Utah Jazz nang piliin siya bilang ninth overall noong 2010 draft.

Nagtala si Hayward ng 27 points at 12 rebounds para pagbidahan ang Jazz sa 105-96 overtime win laban sa Chicago Bulls.

Rumatsada ang ve­te­ran forward sa huling mga minuto ng fourth quarter at maging sa extra period.

“When guys go down, it’s a chance to expand your game,” sabi ni Hayward.

Nagdagdag si Rodney Hood ng 19 points at nag­lista si Rudy Gobert ng 16 points at 12 rebounds para sa pangatlong sunod na panalo ng Utah.

Umiskor naman si Jimmy Butler ng 26 points at nagdagdag si Pau Gasol ng 19 points at 8 rebounds sa panig ng Chicago.

Nag-ambag si Derrick Rose ng 14 points para sa Bulls, natalo sa ikatlong pagkakataon sa huli nilang apat na laro.

Tumipa ang Bulls ng 0-for-5 fieldgoal shooting sa overtime at may 3 turnovers sa nasabing five-minute stretch.

Kumamada si Hayward ng 15 points at 4 rebounds sa huling 5:30 minuto ng regulation at sa overtime.

Ang 3-pointer ni Rose sa huling 18.5 segundo sa fourth period ang nagbigay sa Chicago ng 93-90 abante.

Isinalpak naman ni Hayward ang kanyang layup sa huling 4.8 para dalhin ang Utah sa overtime.

Sa iba pang laro, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers sa overtime, 111-106; binigo ng Detroit Pistons ang Brooklyn Nets, 105-100; pinatumba ng Memphis Grizzlies ang New Orleans Pelicans, 110-95; dinaig ng Oklahoma City Thunder ang Washington Wizards, 114-98; pinayukod ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 107-92; hiniya ng Denver Nuggets ang Toronto Raptors, 112-93 at ginulat ng Sacramento Kings ang Milwaukee Bucks, 111-104.

ACIRC ANG BROOKLYN NETS CHICAGO BULLS CLEVELAND CAVALIERS DENVER NUGGETS DERRICK ROSE DETROIT PISTONS GORDON HAYWARD INDIANA PACERS JIMMY BUTLER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with