^

PSN Palaro

Handa nang lumangoy sa Tokyo meet Papa tinutukan ang training ng PSL tankers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumailalim sa matin­ding pagsasanay ang Phi­lippine Swimming League (PSL) tankers na sasabak sa 2016 Tokyo Invitational Swimming Championship na nakatakda sa Pebrero 4 hanggang 10 sa Japan.

Mismong si PSL Pre­si­dent Susan Papa ang nanguna sa training camp kung saan tinutukan nito ang pagtatama sa stroke kasabay ng pagbibigay ng tamang teknik upang mas maging magaan ang paglangoy ng mga ito sa kumpetisyon.

“May mga strokes sila na mali. Itinama lang namin para mag-improve ang mga times nila. Sumusu­nod din kami sa international standards dahil ang international level ang gina­gawa namin sa mga local competitions namin para pagdating sa mga competitions abroad, hindi kami naninibago,” pahayag ni Papa na ilang dekada ring naging miyembro ng Pambansang koponan.

Kabilang sa mga nagsanay sina UAAP Season 78 gold medalist Drew Benett Magbag ng University of the Philippines Integrated School, Swimmer of the Year candidates Sean Terence Zamora at Jux Keaton Solita ng Uni­versity of Santo Tomas, Marc Bryan Dula ng Weissenheimer Academy at Lans Rawlin Donato ng UP,  Female PSL Swimmer of the Year top candidate Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque, Singapore Invitatio­nal Swimming Meet me­dalist Joey del Rosario ng De La Salle Santiago Zobel School, Martin Pupos ng National University at sina Lo­wenstein Julian Lazaro at John Leo Paul Salibio.

“Malalakas ang mga makakalaban natin sa Japan kaya gusto kong maging physically at mentally ready ang mga bata. Palaban ang mga ito at naniniwala ako na kaya nilang makipagsabayan,” dagdag pa ni Papa.

Bukod sa host Japan, lalahok din ang mahuhusay na tan­kers mula sa China, Uni­ted States, Great Britain, Nether­lands at Germany.

ACIRC

ANG

DE LA SALLE SANTIAGO ZOBEL SCHOOL

DREW BENETT MAGBAG

GREAT BRITAIN

IMMACULATE HEART OF MARY COLLEGE-PARA

JOHN LEO PAUL SALIBIO

JULIAN LAZARO

MGA

SHY

SWIMMER OF THE YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with