^

PSN Palaro

Tinumbok ni Orcollo korona sa 2016 derby city classic

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasungkit ni Dennis Orcollo ang kanyang unang titulo sa taong ito matapos pagharian ang 2016 Derby City Classic 14.1 George Fels Memorial Straight Pool Challenge na ginanap sa Elizabeth sa Indiana, Uni­ted States.

Isang matikas na ratsada ang inilatag ni Orcollo sa finals nang ilampaso nito si John Schmidt ng United States sa bisa ng 125-14 panalo upang matamis na angkinin ang kampeonato.

Ito ang ikalawang korona ni Orcollo sa naturang torneo matapos magkampeon noong 2014 edisyon.

Isang magandang regalo rin ito para kay Orcollo na nagdiwang ng kanyang ika-37 kaarawan noong Enero 28.

Nakapasok sa finals si Orcollo nang patalsikin nito sa semifinals ang Amerikanong si Mike Davis habang nanaig naman si Schmidt laban kay KonstanTin Stepanov ng Russia sa hiwalay na semis game.

Sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge, nagsosyo sa ikatlong puwesto sina Efren ‘Bata’ Reyes at Dennis Orcollo matapos matalo sa semis.

Hindi umubra ang mahika ni Reyes kay Jayson Shaw ng Great Bri­tain nang lumasap ito ng 8-11 kabiguan habang natalo naman si Orcollo kay Shane Van Boening ng United States, 9-11.

Nakapasok si Reyes sa Final Four nang patalsikin nito sina Darren Appleton ng Great Britain sa first round, 11-9 at Django Bustamante sa quarterfinals, 11-7.

Si Orcollo naman ay namayani laban kina Carlo Biado sa first round, 11-10  at Lee Van Corteza sa quarterfinals, 11-7.

Sa 9-Ball Banks Division, nagkasya sa ikaapat na puwesto si Orcollo sa likod nina John Brumback ng United States (champion), Shaw (runner-up) at Alex Olinger ng United States (third place).

vuukle comment

ACIRC

ALEX OLINGER

ANG

BALL BANKS DIVISION

BALL CHALLENGE

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

ORCOLLO

REYES

UNITED STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with