^

PSN Palaro

Fajardo: ‘Di na namin pakakawalan ‘to!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay muling magsasagupa ang nagdedepensang San Miguel at Alaska sa Game Seven ng 2016 PBA Philippine Cup Finals sa Miyerkules.

At inaasahang ibibigay ng Beermen at Aces ang lahat ng kanilang makakaya para makopo ang kam­peonato.

“Last game na yung Game 7. Lahat ng players, lahat ng teams, pinangarap makalaro sa finals,” sabi ni back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Mula sa 0-3 pagkakabaon ng Alaska ay inangkin ng San Miguel ang huling tatlong laro para itabla sa 3-3 ang kanilang best-of-seven championship series at itulak ang Game Seven.

Sinabi ni Fajardo na hindi na nila pakakawalan ang pagkakataong makamit ang titulo.

“Kami, opportunity namin manalo sa Game 7. Kailangan ready kami pagdating ng Wednesday,” wika ni Fajardo, hinirang na Best Player of the Conference.

Tinalo na ng Beermen ang Aces sa Game Seven ng nakaraang PBA Philippine Cup Finals bago winalis ang huli sa kanilang titular showdown sa Governor’s Cup.

Sinabi ni Fajardo, umiskor ng 13 at 16 points sa kanilang panalo sa Game Five at Game Six, ayon sa pagkakasunod, na puso na ang magiging batayan sa Game Seven.

ANG

BEERMEN

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

FAJARDO

GAME

GAME FIVE

GAME SEVEN

GAME SIX

MOST VALUABLE PLAYER JUNE MAR FAJARDO

PHILIPPINE CUP FINALS

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with